The Schools Division Office – Malabon City joins the nation in the 500 QUINCENTENNIAL Commemorations in the Philippines- Victory and Humanity 1521 – 2021 Watch full clip. #500thvictoryandhumanity 🤟🇵🇭

TUNGHAYAN:
Nagsagawa ng natatanging Virtual Flag Raising Ceremonies ngayong araw, Abril 27, 2021 na pinangunahan ng mga Opisyal ng Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Malabon Dr. Mauro C. De Gulan, Schools Division Superintendent at Dr. Ernest Joseph C. Cabrera, OIC, Assistant Schools Division Superintendent ukol sa pagdiriwang ng ika-500 quinsentenaryo ng Tagumpay sa Labanan sa Mactan at ang Pagtataguyod ng Katolisismo sa bansa.

Ito ay isinagawa bilang pagtalima sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 55, s. 2018 at 103, s. 2020 at Proklamasyon Blg. 1128, s. 2021 na nilagdaan ni Pang. Rodrigo Roa Duterte na nagtatakda sa pagsuporta at pagkilala sa 2021 Quincentennial Celebrations sa buong bansa.

Ang programa ay nilahukan ng mga opisyales at kawani ng Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod ng Malabon na nagsimula ng ika-7:45 ng umaga at ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas bilang hudyat ng pagdiriwang sa araw na iyon. Naging panauhing tagapagsalita sa pagdiriwang na iyon si G. Dillon Gonzales, Guro III ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Malabon (antas Senior High School). Nagbigay rin ng mensahe ang Tagapamanihalang Pansangay, Dr. Mauro C. De Gulan at ipinahayag niya ang kahalagahan ng mga kahalintulad na gawain upang magbigay daan sa kadakilaan at kapanatagan ng isang bansa.